"Si Haring George III (George William Frederick; 4 Hunyo 1738 – 29 Enero 1820 [N.S.]) ay dating isang Hari ng Dakilang Britanya at Hari ng Irlanda mula 25 Oktubre 1760 magpahanggang 1 Enero 1801, at makaraan nito ng Nagkakaisang Kaharianm, na binuo ng pagsasanib ng Dakilang Britanya at Irlanda, hanggang sa kaniyang kamatayan. Kasabayan ng pagiging hari, siya rin ang duke ng Brunswick-Lüneburg, at dahil gayon prinsipe-elektor ng Elektorada ng Hanover sa Banal na Imperyong Romano, hanggang sa maging Hari ng Hanover noong 12 Oktubre 1814. Siya ang pangatlong maharlikang Britano ng Kabahayan ng Hanover, at ang una sa Kabahayan ng Hanover na isilang sa Britanya at nagsasalita ng wikang Ingles bilang pangunahing-angking wika. Sa katunayan, hindi niya napunthan ang Alemanya." - (tl.wikipedia.org 05.11.2019)
tl